- Home>
- Archive: April, 2018
“Ah, I’ve been teaching English online for almost 2 years, oh sorry, it’s 2 years now!”
-My introduction for meeting my students first time. Continue reading
Sorry got lazy today.. Continue reading
Noong nagupgrade ako ng ilang weeks ago, eh biglang nagflashback sa kin yun aking experience na magkaroon ng internet.
Dati pa lang, naramdaman ko na kailangan ko ng internet kahit di ko pa ginagamit sa work ko. Ngayon, aba parang buong araw eh kailangan ko ng internet. Non-negotiable, it’s a must for me, lalo na pagtuloy tuloy na ang aking solo career path in being a virtual professional in the future. hehe
Habang inaayos ko ang aking cloud at naghihintay sa estudyante ko, eh let’s look back ano ba ginamit ko internet from the start. Let’s go back like 13 years ago. hahahaha Geez, tanders ko na!
First: Smart Bro internet – Noong nakita ko yun flyer nung napadaan ako sa Smart office eh aba nagulat ako na pwede pala antenna na lang gamitin para magka internet ka. (Wala pang wifi nun) At wala ng linya kailangan. Well, nagapply ako tapos yun na naginstall na sila at ayos na! Mabagal nun mga 256-512 kpbs pa lang. hahaha Pero masaya na ko at di naman masyado kailangan ng internet kasi check lang ng news at ano makita sa internet. Di pa uso internet gaming nun. Medyo tumagal ako nun pero talagang may mga araw na mabagal saka pag bagyo, wala siyang silbi. Bwisit.. After ilang years, nakahanap ako ng mas magandang connection. Yes, narealize ko lang na pathetic pala pag ganito yun style kahit ngayon na dongle lang internet or ULTERA or yun sa globe wireless internet.. Iwasan! hehe Maghintay na lang kayo ng connection sa area niyo basta wag lang wireless internet. haha
Second: Destiny Cable internet – Dahil nga may araw na panget ang connection at pag umuulan eh walang silbi, nakakita ako ng flyer ulit at cable internet daw. Aba, dahil tapos na contract ko sa Smart bro eh masubukan nga ito. Same lang din ang monthly at sabi stable daw… Mahal yun upfront fee pero un speed tumaas ng 512-756 kbps naman. hahahaha Pero eto masasabi ko, eto lang yun nagbigay sa kin na sobrang walang problema. Kahit umulan o bagyo basta may kuryente, ayos ang service at parang once lang ako tumawag kasi naputol lang yun cable. Iba pala ang cable internet at lalo ako naconvince na maayos yun service noong nagwork ako siyempre sa Dish. hehe Kaso siyempre, after years, eh may nadiscover ako at kailangan pala lumipat ako down south sa HSBC.. Kaya eto, lipat din ng service.
Third: Globelines – It’s the worst. hahaha kasi naman pag kabit ng service sa bahay ni Ate nun sa URCI aba, after one week, di na gumagana at di pa ko pinuntahan para sa site service fix. Letche, di ko nga sila bayaran. hahahaha At lumipat na din sila Ate ng bahay kaya bahala sila. Ok na sana yun speed at buffering halos wala (first DSL experience) pero yun nga, one week lang wala na. Bwisit.
Fourth: Bayantel – After ko magstay kina Ate at nakabalik naman ako QC eh Bayantel na. Si Mami kasi may landline na bayantel at may offer pa noon na bundle na sa DSL. 1mpbs na!!! Wohoo. hahahaha Saka this time, mukhang kailangan ko na ng internet dahil sa social media, news, NBA na ata ako nun saka ehem.. collection. hehe Ah oo nga pala, nagstart na pala ako magblog noon. Anyway, ayun na at ok naman kaso may times na talagang buffering at may time na walang service. Pero overall, ok lang. Yes, pag umuulan, aba stable siya ha. hehehe
Fifth: Pirated modem service- Hahahahaha Well, habang nagsearch ako at yes, may friend ako eto din ginawa, aba sabi ko matry ko nga. Nakita ko sa OLX at eto na!!!! Globe hacked modem!!!! Wireless nga lang pero one payment lang at wala ngang monthly. hahahaha Tanggal yun DSL modem ko sa Bayantel at eto na, 1-3mbps with no monthly fee!!! At first year, yeah sobrang sulit kasi nung unang set up ko ayos pa. Laking tipid talaga.. hehe Kaso after that year at siyempre napansin ng globe at PLDT, nagcrack down sila. Nakabili ako ng isa pang modem, smart bro naman kasi yun modem di na nagwork. First months ko sa hacked smart bro ok pero after that, grabe di na nagwork yun signal, naka ilan lipat na ko ng kwarto, at ayun na, kailangan ko na talaga ng stable and legal way of internet connection. I gave up at eto na.. Sayang yun pangalawa kong bili pero overall, sulit, lalo na yun unang modem. hehe
Sixth: Bayantel DSL – For the second time and the longest din, eh ayun I came back sa bayantel kasi mura at reliable siya. hehe At first ok siya pero may mga time na mabagal saka lagi refresh connection kaso pag umuulan ayun, nagloloko tapos worse, yun wiring eh napuputol! Bwiset. hehe Pero di naman lagi at parang mahina ako 3 years dito, ok naman siya. Yun nga sa huli at lalo nung kukunin na ni Globe yun Bayantel, aba nagloloko na at pati dial tone sa landline, di mo magamit, at dumating na din ang point na kailangan ko sa work, aba, napuno na din ako. It’s Globe’s fault not mine. hehehe
Seventh: Globe DSL – Yes, ah sa Isabela naman ito. No choice naman kasi yun PLDT not fully serviced sa area at ULTERA daw lang pwede. No way. hahaha Mabuti tong globe kahit ilang kanto pa layo sa hub eh kinabitan pa din kami ni kuya. Surprisingly, dito ko naranasan paano magka 10mbps! hahaha First hand at sabi ko, at least consistent at masaya naman. Tumawag lang kami sa service pag naputol yun cable pero overall, sabi ko sana ganyan sa Manila. Weird right? hahahaha Kahit may ganitong offer sa Manila di ko kinuha para sa bahay eh kasi naman natrauma ako sa transition from Bayantel to Globe. Most of the time parang 90% 10 mbps yun nga lang, naka data cap.
Eighth: PLDT Home DSL – well, since ayoko ng Globe ulit sa bahay, aba sige, try natin si PLDT. Dahil may promo, hahahaha eh kumuha ako ng PLDT dsl. 50% off sa bill for the first year tapos the rest eh normal billing. 10mbps ang speed. Ok, actually, normal speed eh mga 5-6mbps at parang mabagal sometimes. Pero nakakawork naman ako at siyempre malaking tulong sa collection. Ehem. hehe Kaso problema, eh may mga koleksyon na malaki ang file, tapos minsan nawawalan ako work kasi di mo alam kung yun modem or DSL connection ang problema at STEAM, ang lalaki ng file. hahaha Mabuti na lang, pasensyoso ako at nagwork sa internet account at may alam akong kaunti sa IT. For short, pagtiyagaan. Pero overall, ok naman, kasi di ako masyado nagpa service call, reboot modem lang ginagawa ko saka patience. hehe
Now: PLDT FIBR – Well, after almost 2 years, siyempre di na sulit yun binabayad ko sa speed at may mga ginagawa ako na kailangan stable na connection ko. I checked other services… Globe Fiber broadband has the enticing offer, like 2500 eh 50mbps unli na. 2900 para sa 100mbpbs kaso dahil sa dati kong experience, hesitant ako. Pero maganda pa eh pwede no contract. Kaso parang ayoko papalit yun landline number namin. IP Converge.. Very sulit!!! 1500 para sa 20mbps, kaso siyempre kailangan ng landline, so parang 2300 ako per month kasama PLDT landline.. Tapos siyempre fibr connection.
Ilan beses na ko nagrequest sa PLDT na bigyan ako status sa FIBR ko, kaso sa website, wala daw sa barangay ko. Tapos pag pumupunta ako service center eh sabi balik na lang kayo.. Muntikan na talaga eh.. Kaso mabuti na lang, eto. One day, eh kukuha ko ng postal ID na napakamahal pero ok lang. hehe Siyempre kailangan daw nila ng bill. Wala ako dala, kala ko pwede na yun dala ko documents. Nung pumunta ako PLDT sa may SM, yun customer service dude na tumulong sa kin, nagoffer ng service order natin yun address niyo at check kung pwede iFIBR. Wala daw bayad. Naisip ko oo nga naman, dapat lang pero mabuti at mainspect. Pumayag ako at siyempre nagpaxerox ako ID at bill ko kasi kailangan ko sa postal ID. hehe Aba, mga ilang weeks, after ko magfollow up ng status, may pumunta na ng installer..
The rest is history!!! hahahahaha Kahit mahal eh sulit. Wow, iba talaga FIBR.. Parang once lang ako nagreset ng modem kasi weird nangyari, ibang website ang bilis, pero yun iba ok naman. Nagtroubleshoot lang naman. Nag marunong. hehe Pero overall, I’m impressed. Solved most of my problems na pagumulan nawawala ang connection. Eto eh hindi. hahahaha Malakas umulan last week, twice ata, never nagdown o kahit nagblink na parang nagreset. Siyempre dahil 50mbps, ehem, napabilis ang collection at lalo na sa Steam. hahaha Ayoko magonline games, mahirap na. hahaha Sa online work, sobrang kampante na ko. Malamang pag may problema, yun kabilang party na yun, di na ako kagaya dati. Saka importante yun upload speed sa kin kasi sa cloud at sulit naman. hahahaha Well, eto na yun climax siguro ng internet service ko.
Pero siyempre, sana in the future eh babaan yun price at siyempre mataas yun speed. Mahal pa din yun service natin di gaya ng Japan o Korea na speed na mayroon sa Fibr, mobile service lang pero sa cable internet or fibr mas mabilis at mura. Kung same price pero 100mbps or more naman ang speed. Siyempre dun na ko sa mabilis di ba kahit medyo mataas sa budget.
Natatawa ako pag natandaan ko yun internet dati, grabe napakabagal pala! hahaha Parang 3g lang pala ang katumbas noon. Sa akin naman eh for now, sobrang happy na ko. Kung may mataas, eh basta yun price mababa, ok lang sa kin. hehe Pero sa ngayon..
The need for speed is done. check it out.. Ah ping is high because ehem, doing something. =P
Ok, I’ll make it this short as possible and less spoilers ok? hahaha Two things were for sure though. First, it’s a bit below Civil War for me in terms of overall quality as a film. Second, yeah just watch it ok? =) Continue reading
Ah oo nga pala, may site that is really following this group, I suggest check them out at https://www.back2gaming.com/blog/mnl48-weekly-04-24-2018/ Continue reading
Well, hmmm di ako fan nila JaDine ok. hehe Si Gerro kasi crush daw niya si Nadine so wala ako choice kung hindi samahan siya. Pero nakita ko yun trailer, mukhang ok naman at siyempre yun chismis na di matapos yun film due to ehem delays and some events, mabuti at mapapalabas na. Continue reading
I just copied the title from a book written by a celebrity that I really like. =) Continue reading