- Home>
- Flashbacks>
- Flashbacks: LG activity in Baguio!
Habang pauwi kami, dumadaan kami sa SCTEX, nanghihinayang pa din ako na sana may one day tumambay sa magandang bahay na pinag stay namin. hehe
Well, kahit di naman nangyari yun, masarap naman kasama ang LG ko! This activity was planned like a month earlier. Pati naman ako nagulat kasi di na ko masyado sa LG due to distance from my other work.
Pero mabuti na lang may extra funds ako at yun time, wala naman kailangan iplot na VL. hahaha Kung pwede araw araw VL. So mabuti naman, thanks to Bro. Marlon eh natuloy naman etong LG activity outside again from Manila.
Kaso ang aga ng call time, parang 1am pa lang kailangan nasa Centris na ko. hahaha Eh mabuti na lang wala ako masyado student in the day before so medyo prepared.
Biyahe kami ng maaga tapos ang unang stop namin is Manaog. Napaisip tuloy ako, pwede pala kami magkita ni Doc. hahaha Saka ang bilis ng biyahe, parang 5am pa lang nandun na kami at sakto may mass. Grabe, kala ko malaking simbahan, maliit pala pero grabe ang tao! Talagang dinadayo!
It’s my first time there and I can say, I want to go back once in a while. Parang may something there nga. Except kay Bishop Villegas, eh parang may something kay Our Lady of Manaog. Kahit mahaba pila dun sa altar niya, I said some wishes and I hope it’ll come true. =) Siyempre yun mga ibang brothers ko, aba panay picture, kulitan at ginugutom na. hahaha
After the Manaog experience, eh nakakain naman kami ng agahan. Masarap naman at naisip ko parang di na kailangan maglunch sa dami ng kinain namin. hahaha So mga 10 am nasa Baguio na kami.. Nung unang tapak namin sa bahay, ay grabe, parang buong LOB kasya! I mean, kung team building, sobrang laki, parang kahit 3 team kayo, sobra pa. hahaha Kahit walang pool which di ko naman hinahanap, yun atmosphere, ambiance saka amenities, sobrang sulit! Sarap nga magstay dun kahit isang linggo na wala kang gagawin. hahaha
Then, after some hour of waiting and resting, tuloy na kami daw agad sa pasyal. Since overnight lang eh, malamang kailangan sulitin ang pasyal namin. hehe Burnham park yun una, at dahil sabado, napakadaming tao. Grabe, kala ko luneta. hahaha Tapos kumain kami ng lunch! Oh God, ang sarap ng mga inihaw at sabaw, parang nag bulalo at kami. Grabe… Parang ayaw ko na kumain.. hahaha
Tapos, punta kami parang Garden ata, yun botanical garden, libre at maliit, maputik. hahaha Paano pumunta ako sa Phil-Japanese monument kaso anak ng tinapa, wala naman laman, maputik pa! Erghh.. Pero ok yun place, di masyado matao, pero mabuti kasama sama ko yun mga bro ko. Yun ibang bro, pumunta sa malayo! Di na kami sumunod. hehe Pero ang highlight dun, strawberry taho at ice cream!!!! Sana mayrun dito sa maynila! =( Sad part, eh wala masyado strawberry dun, di nga kami nakapunta ng farm, paano, malayo at kakabagyo lang! Kaunti lang daw strawberry. Bwisit. hehe
After that, parang pumunta na kami sa Mine’s View park. I just hate that place, ang sikip tapos agawan sa pwesto para magpapicture! Talagang nagsisigawan na “Tabi, ako diyan nagpapapicture ako!” Bwisit na to, itulak kaya ito sa bangil. hahaha
Sandali lang ako dun pero yun ibang bro dun, matiyaga. hahaha Ah baka mali ako, baka nauna yun the mansion ni Digong, este ng presidente natin. Eh sa harap lang naman pwede tapos yun katapat na park, wright park ata yun, dami din tao, wala naman masyado makikita.
After ng mga lugar na yun, aba malamang gutom na kami! hahaha Grabe, hindi gutom yun nararamdaman ko that time, pagod at antok, sabi ko nga, sana makahiga lang ako sa bahay, sulit na ko. hehe
The next restaurant we ate, was magnificent! Wala na ko paki sa ibang lugar dun, basta itong restaurant na to, babalikan ko to! Bagay na bagay sa CRAP! hehe The Forest House. Tama lang yun gutom namin eh, naligaw kasi kami at ganun na pala ang Baguio ngayon, overdeveloped and yes, traffic. Oh Geez.. Mabuti na lang kay Google maps at magaling na driver namin, nakaabot naman kami sa The Forest House.
Grabe, dito lang ako nakatikim na tunay na chowder. I missed this soup way back sa US noong bata pa ko! hahaha I tried to look which resto offer the chowder served in a bread bowl, wala ako nakita sa Manila. Dito lang. Worth the travel perhaps! Appetizer pa lang yun. hehehe OMG, the main dishes they served were fantastic! From pasta, fried foods and yes, bagnet.. Grabe, kahit mukha siya kaunti, pero pag natikman mo, busog ka na! Sa sobrang busog ko, tap out na ko eh sa dessert eh. Ayoko ko na kumain eh!!! hahaha Kahit uminom ng juice or whatever, di ko na kaya.
Kaso may mga birthday pala sa LG namin. hahaha Malamang may cake!!!! Ayun na.. Pero ang special sa restaurant na to, sobrang maasikaso kahit they missed one order pero wala na ko paki kasi di na namin kaya kumain. hehe Saka yun ginawa nila for the birthday celebrants, grabe nakakatuwa! Libreng parang special cake saka yun binili namin cake from them? Sila pa naghiwa at may presentation pa. No other resto do that!
Wow!!! That’s why not surprising the resto of the year awards they got from Philippine Tattler. I was just overhelmed. It’s a good place in any type of occassions like meetings, birthdays or even ehem, romantic night dates! =) Panalo to!
Of I forgot, siyempre kaya pala kami naligaw, pumunta pa kami ng Pink Sisters to get their famous peanut brittle and ube jam. Mahal eh. hahaha Peanut brittle na lang binili ko at peanut butter. I suggest stay away from the Peanut Butter. =(
After that very sumptous meal that was very unforgettable.. We went siyempre to SM Baguio just to buy for our breakfast meals and stroll around. Stay away from that place at night kasi sobrang daming tao at ang hirap umuwi! Mabuti na lang may service kami. hehe
At that time, I really want to lie down and rest but it’s not a bad thing, mabuti kasama ko sila, mga brothers! Nakakatawa may isa ako brod na first time makapunta ng Baguio, sayang he did not see the old Baguio.. =( Kaya eto, parang field trip sa kanya. hahahaha
Di na namin kaya mag LG activity nun nakauwi na kami so we moved forward to Sunday!
Sunday was a special day, despite we missed the feast eh we did the alternative one. Morning Worship and Prayer. Sobrang solemn ng event na yun kasi we sang worship songs, and then talked a bit to each other at siyempre prayers. Mapa personal intentions yan or petitions, eh nashare namin. Sobrang saya nun event na yun, sana whole day ganun na lang. hahaha Plus recollection siguro.
After that, siyempre nakahabol pa kami sa Mass at eto yun nagustuhan ko, yun Baguio cathedral ba yun? I don’t know the name but nung bata ako, eto lang lagi natatandaan ko lugar except yun Mcdo sa session road.. Di ko akalain na maintain pa din yun atmosphere niya, except lang sa jampacked crowd. hehe Pero nung nakapunta ako, parang nanumbalik yun fond memories ko nung Baguio when I was a kid. I just love that place kaya yun lang ang lugar na todo ako sa picture. hahaha
I love that place. After that place, pumunta pa kami ng PMA! Humabol pa. hahaha Wala naman special dun except for that old tanks and mortars. Tapos, kumain kami sa Giligan’s! Parang mas sulit Giligan’s sa province kaysa sa Manila. hehe Then, we went off na to Manila, pero stop over dun sa Kennon Road with the Lion’s Head. Daming pumupunta dun. Dati wala naman, kaso naging landmark na at napinturahan na kasi na maganda.
Wait, there was one more! hahahaha Pumunta pa kami sa Sta. Maria Bulacan for our dinner! Wow! Oh God, I just want to rest. hehe Despite that clumsy service that the resto has, sorry I forgot the name… Pero masarap ha. At sulit! Etong LG na to magaling di lang sa dasal, sa kain eh. Grabe eh. Kaya ang lalaki namin eh. hahahaha Eto lang ata nasalihan ko LG na bawat lakad, may kain katapat. hahaha
This LG activity was a great thing for us. Some of us want to rest or be away from the hectic workload. Some of us wants to be in a place na kakaiba. Most of us wants to eat a lot. hehe Pero it was a journey na simple, but hollistic fun. Kahit may mga kanyang kanya kami iniisip o iniinda, the places we went like yun Manaog and yun Church, I felt God’s presence there. Plus the food he gave, the great driver we had and fantastic place we stayed in which we hope we could have stayed longer. hahahaha Lastly, we have each other.
Mabuti na lang sumama ako kasi kailangan ko din ng escape from all the tasks I have and the events passed by. I need a breather. I got it and it was good one. =)
At natutuwa ako kasi kahit di naman ako lagi na regular sa LG eh welcome naman ako lagi dito. Thanks mga bros!!!!
Thanks to Bro. Marlon our LG head! Kay Bro. Troy, Ric, June, Jason, Jo Ma., Louie, Jessie, Christian, at siyempre yun driver namin!!! God bless po. hahaha Sorry nakalimutan ko yun isang member, bago kasi. Sorry bro.
Correction na lang bro kung may namiss pa ko.
Of course, I hope we have a lot of this kind not only outing, maganda outreach na. hehe
Hmmmm Baguio did change a lot. But I’m looking forward to come back here again. =)
Session expired
Please log in again. The login page will open in a new tab. After logging in you can close it and return to this page.
Thank you for this bro, natatawa ako habang binabasa to,
si Marvin yon bro. Alfred at ang pangalan ng ating driver ay si Kuya Bear π
Oo nga bro. Ngayon ko lang natandaan. Bear or Ver. Whatever. Hehe thanks for reading!