My WordPress Blog

Search

Pista ng Pelikulang Pilipino

Published August 22, 2017 in movies , reviews - 0 Comments

Dapat bigyan ng pasasalamat si FDCP head Diño para sa paghahanda ng ganitong film festival na walang banyagan pelikula ipapalabas sa loob ng isang linggo. Magaling ang kanyang ginawa! Sana sa susunod na taon may ganito ulit para marami tayong mga Pilipinong pelikula festival na aabangan sa loob ng isang taon. May ganito, Cinemalaya, Cinefilipino at sana ibalik ang Cinemanila. hehe Kahit mababa lang ang mga pondo na ginagawa ng mga direktor na to, masasabi ko naman, di sayang ang binayad ko sa pagpanood ng mga indie pinoy film. Sana lang babaan nila yun presyo ng tiket mga 180 or 200 sa susunod na taon. Nagagawa naman nila yun sa Cinelokal sa SM eh. hehe

Tama na ‘to! Sana napanood ko lahat kaso dahil sa kakulangan ng oras at pera din, tatlo lang napanood ko. Dalawa kasama si Algerro kasi yun mga crushes nya! hehe Yun isa, dahil naintriga lang ako. Pero yun pala yun pinakamaganda at nakakatuwa! Bigyan ko ng mga maikling komento ang mga napanood namin na pelikula.

100 Tula para kay Stella -Nagulat ako ngayon na parang 5 sinehan ata palabas etong pelikula na tungkol sa lalaking gumawa ng mga tula para sa kanyang iniirog. Ang maganda dito eh magaling ang mga bida, nagulat ako kay JC Santos! Si Bela Padilla, pwede na pero alam ko may magagawa pa siya kahit di siya centro ng istorya. Kaso may mga pagkukulang pa din ang pelikula. Una eh mahaba siya masyado. Pangalawa, parang ang inspirasyon nya eh 500 Days of Summer, pero sana mabilis o nagiba ng setting yun panghuling parte. Huli, sana nagpokus sya sa pagsulat nun tula. Alam ko may mga nangyari sa mga buhay nila pero yun pelikula sana nakatuon dun sa pagsulat ng tula. Pero natuwa naman ako kahit papano. Pwede na din..

Patay na si Hesus – Pagkatapos kong panoorin ito sa sinehan, ito pa lang nasabi ko na pwede pambato sa Oscars! Tatlong magagandang parte ang ginawa nila ng tama dito. Una, road trip ang tema na madaling makukuha ng mga ibang manood. Simple kung baga. Pangalawa, kahit maiksi yun pelikula, maraming nangyari at halo halo na emotion na pinakita sa palabas. Isama mo pa dun ang magaling na cast at yun pagarte ng bawat isa, kahit yun di naman kailangan na tauhan, nagkasilbi din. hehe Huli! Ang galing yun screenplay na ginawa nila. Sobrang dark comedy. Yun mga sandali na nakakalungkot, napalabas nila ng tama at madrama. Pero yun nakakatawa, sobrang nakakatawa, lalo na tungkol sa mga maseselang bahagi ng katawan. Panoorin nyo un parte na magtanong yun bata sa pelikula. hahaha Pero yun dialogue, parang tamang tama sa storya at sakto! Kahit baka may mairita sa script, pero grabe, yun tawa at yun puso ng storya, naantig ako. Kaya sana pwede siya manominate o representative natin sa Oscars.

Salvage – sabi kasi ni Gerro dalawa ang crush nya, si Bela Padilla at Jessy Mendiola. Sige samahan ko siya panoorin ito. Noong mga huling 15 minutes, may sumisigaw na sa likod.. May scene kasi dun nag black out.. Si Lola, senior citizen.. Biglang sumigaw, “Patayin na yan, tapusin na yan, wala naman ako naiintindihan! Ano ba yan…” Tapos biglang yun mga huling scenes na. Pinakamalaking problema nya eh yun mga huling sandali nito. Kasi nakuha ko na yun storya nya, parang pinaghalong Wicker Man at may style ni David Lynch. Kaso, masamang halo ata. hahaha May mga magulong pangyayari sa mga character na di ko nakita ang silbi. Tama yun karakter ni JC De Vera, di ko alam kung talagang patay sya o naging ano na, halimaw na? haha Yun editing din, magulo, lalo nun patapos na. Saka yun huling scene, bakit ganun? hahaha Pero kahit papano, naappreciate ko yun acting ni Jessy Mendiola, kahit masyado siya maganda para sa role. Sana ginawa na lang siya, yun parang miss Tapia yun dating. hehe Old school nerd siguro. JC De Vera sana, kaso di naman niya kasalanan na yun pinagawa sa kanya. hehe Mabuti pa yun si Barbie saka yun reporter, ginawa nila yun tama para sa karakter nila. Pero eto yun pelikula yun masasabi ko di sulit eh. Si Gerro lang natuwa. hahaha Maraming senior citizen ang di natuwa. hehe

May gusto pa ko panoorin, yun birdshot sana kaso well, di ko alam kung maextend pa siya.

Babawi ako sa Cinemalaya next year! haha Sa ngayon, natuwa ako sa Pistahan na to at sana sa susunood na taon, pagdiwang natin ulit kahit isang linggo lang..

Ang tunay na Pelikulang Pilipino.

 

>